|
|
|
HULING PAALAM (Mi Ãltimo Adios)(My Last Farewell) ni Rizal
|
|
11-02-2010, 03:50 PM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
HULING PAALAM (Mi Ãltimo Adios)(My Last Farewell) ni Rizal
This is a Tagalog translation by Andres Bonifacio of the poem Mi
Ãltimo Adios ( My Last Farewell ) originally written in Spanish by Filipino national hero Jose Rizal . HULING PAALAM Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Lupang iniirog ng sikat ng araw, mutyang mahalaga sa dagat Silangan, kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; maging maringal man at labis ang alindog sa kagalingan mo ay akin ding handog. Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluwag sa dibdib, matamis sa puso at di ikahahapis. Saan man mautas ay di kailangan, cipres o laurel, lirio ma'y patungan pakikipaghamok, at ang bibitayan, yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan. Ako'y mamamatay, ngayong namamalas na sa Silanganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap. Ang kulay na pula kung kinakailangan na maitina sa iyong liwayway, dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang ng kislap ng iyong maningning na ilaw. Ang aking adhika sapul magkaisip noong kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghaling ka at minsang masilip sa dagat Silangan hiyas na marikit. Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, taas na ang noo't walang kapootan, walang bakas kunot ng kapighatian gabahid man dungis niyong kahihiyan. Sa kabuhayan ko ang laging gunita maningas na aking ninanasa-nasa ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa paghingang papanaw ngayong biglang-bigla. Ikaw'y guminhawa laking kagandahang akoy malugmok, at ikaw ay matanghal, hininga'y malagot, mabuhay ka lamang bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan. Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak, sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat, sa kaluluwa ko halik ay igawad. At sa aking noo nawa'y iparamdam, sa lamig ng lupa ng aking libingan, ang init ng iyong paghingang dalisay at simoy ng iyong paggiliw na tunay. Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang liwanag niyang lamlam at tahimik, liwayway bayaang sa aki'y ihatid magalaw na sinag at hanging hagibis. Kung sakasakaling bumabang humantong sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon, doon ay bayaan humuning hinahon at dalitin niya payapang panahon. Bayaan ang ningas ng sikat ng araw ula'y pasingawin noong kainitan, magbalik sa langit ng buong dalisay kalakip ng aking pagdaing na hiyaw. Bayaang sino man sa katotong giliw tangisang maagang sa buhay pagkitil; kung tungkol sa akin ay may manalangin idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing. Idalanging lahat yaong nangamatay, Nangag-tiis hirap na walang kapantay; mga ina naming walang kapalaran na inihihibik ay kapighatian. Ang mga balo't pinapangulila, ang mga bilanggong nagsisipagdusa; dalanginin namang kanilang makita ang kalayaan mong ikagiginhawa. At kung ang madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libinga't tanging mga patay ang nangaglalamay, huwag bagabagin ang katahimikan. Ang kanyang hiwaga â y huwag gambalain; kaipala'y marinig doon ang taginting, tunog ng gitara't salterio'y magsaliw, ako, Bayan yao't kita'y aawitan. Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat at wala ng kurus at batong mabakas, bayaang linangin ng taong masipag, lupa'y asarolin at kahuya â y ikalat. Ang mga buto ko ay bago matunaw, mauwi sa wala at kusang maparam, alabok na iyong latag ay bayaang siya ang babalang doo'y makipisan. Kung magkagayon ma'y, alintanahin na ako sa limot iyong ihabilin, pagka't himpapawid at ang panganorin, mga lansangan mo'y aking lilibutin. Matining na tunog ako sa dinig mo, ilaw, mga kulay, masamyong pabango, ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo, pag-asang dalisay ng pananalig ko. Bayang iniirog, sakit niyaring hirap, Katagalugan kong pinakaliliyag, dinggin mo ang aking pagpapahimakas; diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat. Ako'y patutungo sa walang busabos, walang umiinis at berdugong hayop; pananalig doo'y di nakasasalot, si Bathala lamang doo â y haring lubos. Paalam, magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa't dibdib mga kaibigan, bata pang maliit, sa aking tahanan di na masisilip. Pag-papasalamat at napahinga rin, paalam estranherang kasuyo ko't aliw, paalam sa inyo, mga ginigiliw; mamatay ay siyang pagkakagupiling! The Spanish poem was translated into Tagalog by the Filipino revolutionary hero Andres Bonifacio. |
|||
|
11-02-2010, 10:33 PM
Post: #2
|
|||
|
|||
HULING PAALAM (Mi Ãltimo Adios)(My Last Farewell) ni Rizal
![]() |
|||
|
11-03-2010, 09:50 PM
Post: #3
|
|||
|
|||
|
HULING PAALAM (Mi Ãltimo Adios)(My Last Farewell) ni Rizal
ang pagkakaalam ko wala talagang title ang poem na ito. kahit yun kopya dun sa Fort Santiago walang nakalagay na title. ito ata yun sinulat ni Rizal at tinago nya sa lampara bago sya binaril sa Luneta. pero fitting naman ang Mi Ultimo Adios dahil ito na talaga ang huling paalam ni Rizal sa kanyang mga mahal sa buhay at sa kanyang Inang Bayan
![]() |
|||
|
12-09-2010, 06:35 PM
(This post was last modified: 12-13-2010 07:46 PM by immortalmikhel.)
Post: #4
|
|||
|
|||
|
HULING PAALAM (Mi Ãltimo Adios)(My Last Farewell) ni Rizal
Rizal did not inscribe a title to his poem. Mariano Ponce, his friend and fellow reformist, titled it Mi Ãltimo Pensamiento in the copies he distributed, but this did not catch on.
On the afternoon of Dec. 29, 1896, a day before his execution, Dr. Jose Rizal was visited by his mother, Teodora Alonzo, sisters Lucia, Josefa, Trinidad, Maria and Narcisa, and two nephews. When they took their leave, Rizal told Trinidad in English that there was something in the small alcohol stove (cocinilla), not alcohol lamp (lamparilla). The stove was given to Narcisa by the guard when the party was about to board their carriage in the courtyard. At home, the Rizal ladies recovered from the stove a folded paper. On it was written an unsigned, untitled and undated poem of 14 five-line stanzas. The Rizals reproduced copies of the poem and sent them to Rizal's friends in the country and abroad. In 1897, Mariano Ponce in Hong Kong had the poem printed with the title "Mi Ultimo Pensamiento." Fr. Mariano Dacanay, who received a copy of the poem while a prisoner in Bilibid(jail), published it in the first issue of La Independencia on Sept. 25, 1898 with the title "Ultimo Adios." Thus did Rizal's untitled, undated and unsigned last poem became popularly known as "Ãltimo adiós," or "Mi último adiós." Register to forum by clicking here to see links. |
|||
|
12-10-2010, 11:43 AM
Post: #5
|
|||
|
|||
|
HULING PAALAM (Mi Ãltimo Adios)(My Last Farewell) ni Rizal
heheh.. pinapasaulo samin un sa rizal nmin.. =)
![]() |
|||
|
12-10-2010, 06:07 PM
Post: #6
|
|||
|
|||
|
HULING PAALAM (Mi Ãltimo Adios)(My Last Farewell) ni Rizal
eto nman ang spanish version: Mi Ultimo Adiós Adios, Patria adorada, region del sol querida, Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Eden! A darte voy alegre la triste mustia vida, Y fuera más brillante más fresca, más florida, Tambien por tà la diera, la diera por tu bien. En campos de batalla, luchando con delirio Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar; El sitio nada importa, ciprés, laurel ó lirio, Cadalso ó campo abierto, combate ó cruel martirio, Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar. Yo muero cuando veo que el cielo se colora Y al fin anuncia el dÃa trás lóbrego capuz; Si grana necesitas para teñir tu aurora, Vierte la sangre mÃa, derrámala en buen hora Y dórela un reflejo de su naciente luz. Mis sueños cuando apenas muchacho adolescente, Mis sueños cuando joven ya lleno de vigor, Fueron el verte un dÃa, joya del mar de oriente Secos los negros ojos, alta la tersa frente, Sin ceño, sin arrugas, sin manchas de rubor. Ensueño de mi vida, mi ardiente vivo anhelo, Salud te grita el alma que pronto va á partir! Salud! ah que es hermoso caer por darte vuelo, Morir por darte vida, morir bajo tu cielo, Y en tu encantada tierra la eternidad dormir. Si sobre mi sepulcro vieres brotar un dia Entre la espesa yerba sencilla, humilde flor, Acércala a tus labios y besa al alma mÃa, Y sienta yo en mi frente bajo la tumba frÃa De tu ternura el soplo, de tu hálito el calor. Deja á la luna verme con luz tranquila y suave; Deja que el alba envÃe su resplandor fugaz, Deja gemir al viento con su murmullo grave, Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave Deja que el ave entone su cantico de paz. Deja que el sol ardiendo las lluvias evapore Y al cielo tornen puras con mi clamor en pos, Deja que un sér amigo mi fin temprano llore Y en las serenas tardes cuando por mi alguien ore Ora tambien, Oh Patria, por mi descanso á Dios! Ora por todos cuantos murieron sin ventura, Por cuantos padecieron tormentos sin igual, Por nuestras pobres madres que gimen su amargura; Por huérfanos y viudas, por presos en tortura Y ora por tà que veas tu redencion final. Y cuando en noche oscura se envuelva el cementerio Y solos sólo muertos queden velando allÃ, No turbes su reposo, no turbes el misterio Tal vez acordes oigas de citara ó salterio, Soy yo, querida Patria, yo que te canto á ti. Y cuando ya mi tumba de todos olvidada No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar, Deja que la are el hombre, la esparza con la azada, Y mis cenizas antes que vuelvan á la nada, El polvo de tu alfombra que vayan á formar. Entonces nada importa me pongas en olvido, Tu atmósfera, tu espacio, tus valles cruzaré, Vibrante y limpia nota seré para tu oido, Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido Constante repitiendo la esencia de mi fé. Mi Patria idolatrada, dolor de mis dolores, Querida Filipinas, oye el postrer adios. Ahi te dejo todo, mis padres, mis amores. Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores, Donde la fé no mata, donde el que reyna es Dios. Adios, padres y hermanos, trozos del alma mÃa, Amigos de la infancia en el perdido hogar, Dad gracias que descanso del fatigoso dÃa; Adios, dulce extrangera, mi amiga, mi alegria, Adios, queridos séres morir es descansar. Register to forum by clicking here to see links. |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)









![[Image: 2zqyfkl.jpg]](http://i56.tinypic.com/2zqyfkl.jpg)